Bongabon Nuevaecija

Senator Imee Marcos in Bongabon Nueva Ecija

Ngayong araw ng ating Sibuyas Festival 2023 ay dinalaw tayo ng ating Senator Imee Marcos kanyang binisita ang ating mga kababayan sa ating luwasang bayan. Dala ang kanyang adbokasiyang #ImeeSolusyon ay kanya ding nakadaupang palad and mga magsasaka, mga kooperatiba, mga kapitan, Lgu Department Heads at mga leader ng bayan kung saan ay nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga problema na kinakaharap ng ating bayan sa pagsisibuyas agad na nagbigay ng kanyang mga mungkahi ang Senador patungkol sa mga suliranin ito. Naging agresibo naman ang ating Punong Bayan Mayor Ricardo I. Padilla sa paghiling sa Senador ng mga kinakailangan pa ng ating bayan at ng ating mga magsasaka na mga proyekto at insprakturang pang agrikultural. Maraming Salamat Mahal na Senator Imee Marcos. Mula sa Mamamayan ng Bongabon, Nueva Ecija

#BoomBongabon #ResponsablengPaglilingkod #ParaSaMagsasaka #ParasaBayan
Scroll to Top